Kelot todas sa pamamaril sa Sarangani

Tacurong City, Sultan Kudarat- Patuloy pa rin na inaalam ng awtorirad ang pagkakilanlan ng mga salarin sa pamamaril sa isang lalaki sa Purok 2, Barangay Poblacion, Alabel, Sarangani Province.

Kinilala ang biktma na si Rolen Untalan, 36, may asawa.

Ayon sa ulat ni PO1 Mae Joy Panuncillo ng Alabel-PNP, nangyari ang pamamaril bandang alas-7:00 ng umaga sa harap ng isang establisimiyento na nagbebenta at bumibili ng kopra.

Sa karagdagang imbestigasyon, binaril ang biktima ng riding in tandem ng mga suspek ngunit isa rito ay naghihintay sa unahan na bahagi ng nabanggit na establisimiyento sakay ng motorsiklo na siya ring ginamit na getaway vehicle.

Tatlong tama ng bala sa ulo ang natamo ng biktima dahilan ng kanyang daglian  kamatayan.

Inaalam na kung ano ang motibo sa krimen.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply