Kelot tumangay ng big bike, kinuyog ng taumbayan

BUGBOG sarado ang isang lalaki matapos kuyugin ng taumbayan nang tangayin umano nito ang isang big bike kagabi sa Sampaloc,Maynila.

Kasalukuyan nang nakakulong sa Manila Police District-Station 4 ang suspek na si Darwin Morales,33 anyos at taga Tondo, Maynila.

Sa reklamo ng biktimang si Alejandro Navarro III, nakaparada lamang ang kanyang Honda big bike na sa tapat ng kanilang bahay nang mapansin niyang itinutulak ng suspek dakong 11:00 ng gabi, sa may Craig St, Sampaloc, Maynila.

Ginamitan umano ng suspek ng pick lock ang big bike upang mapaandar subalit dahil umano hindi madala ng suspek ang motor dahil may kabigatan ay  bumaba ito ngunit huli nang maabutan siya ng taumbayan  at pinagtulungang bugbugin.

Sinabi ni Navarro na tutuluyan niya ang suspek at sasampahan ng kasong carnapping upang hindi na makapambiktima pa ng iba.

Sa presinto, todo tanggi naman ang suspek at siya umano ay napagkamalan lamang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply