Kelot utas sa dospordos sa Quezon City

BASAG ang bungo ng  isang obrero matapos makitang nakahandusay sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City kaninang madaling-araw .

Umaagos pa ang dugo sa ulo ni Randolf Lardizabal , construction worker,  25, tubong Bulacan at residente sa # 130-B Antipolo St., Sitio Lambak, Brgy. Krus na Ligas , Q.C.
sanhi ng pagbasag ng kanyang bungo.

Sa isinumiteng ulat nina PO2 George Caculba at Dennis Lapitan, may hawak ng kaso sa Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, nadiskubre ang bangkay ng biktima pasado alas-6 :00 ng umaga sa loob ng kanyang tinutuluyan sa nasabing lugar.

Ayo kay Jun-jun kapatid ng biktima, tinawagan niya sa cellphone ang biktima upang sabihan ito na may panibago silang kontratang trabaho ngunit  hindi umano ito sumasagot.

Dahil dito pinuntahan  niya sa bahay ang biktima ngunit laking gulat niya ng madatnan ang kapatid na wala nang buhay at tumatagas ang masaganang dugo sa ulo nito.

Ayon naman kay  Police Senior Inspector Neil Conrad Aguila ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), nakuha nila sa lugar ng krimen ang isang pirasong dos por dos na kahoy at isang kitchen knife, pero ang malaking sugat sa ulo ng biktima ang sanhi ng ikinamatay nito.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply