Kiamco kampeon sa Houston Pool Tourney

DALAWANG Linggo na ang nakalilipas matapos magkampeon si Dennis “Robocop” Orcollo sa 2012 China Open sa Shanghai Pudong Yuanshen Stadium sa Shanghai, China ay gumawa din ng sarili niyang pangalan ang kanyang bossom buddy na si Warren “Warrior” Kiamco sa Eastados Unidos matapos maghari sa Houston Open na ginanap sa Legends Billiards League City, Texas nitong Setyembre 28 hanggang 30.

Sa pagsubi ng kanyang overall title sa nasabing event, kinakailangan ng Pasil, Cebu native Kiamco na gibain muna si Danny Lee of the United States, 9-6, in the finals to collect $3,025.00  prize money.

Naibulsa namn ni Lee ang runner-up purse $2,015.00.

Sa pagpalitan ng tumbok nina Kiamco at Lee, nauwi sa 2-2 tie, kung saan nakalamangan si Kiamco ng 4-2 lead ng kunin ang magkasunod na racks.

Sumagot naman si Lee ng tatlong sunod na racks para  5-4 lead. Sa pagpapalitan muli ng tumbok ay nauwi sa 6-6 tie.

Nakopo ni Kiamco ang 13th rack, at critical juncture sa 14th, kung saan si Lee ay nag-attempt ng long bank shot subalit nabigo.

Naubos ni Kiamco ang bola para makapuro sa race-to-9.

Nakapagtamo si Lee ng scratch na nagbigay daan para maiuwi ni Kiamco ang titulo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply