Kilabot na holdaper sa Bacolod City, pinagpahinga na

SA kabila ng umiiral na gun ban dahil sa pagdiriwang ng Masskara festival, inambus ng mga maskardo at armadong kalalakihan ang isang kilabot na holdaper sa  Bacolod City nitong Linggo ng hapon, Oktubre 21.

Si Reymund Longno,alyas Small Boy ay ideneklarang dead on arrival sa Bacolod Doctor’s Hospital sanhi ng timanong tama ng bala ng kalibre 45 at 9mm pistol  sa iba’t ibang parte ng katawan.

Wala pang ideya ang awtoridad sa kung sino ang nagkasa ng pang-aambus pero ang dalawang suspect ay kapwa nakasuot ng bonnet at lulan sa sa isang walang plakang kotse.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-5:10 nitong linggo ng hapon sa Barangay Villamonte malapit lamang sa bahay ni Longno.

Bago ito, nakatayo si Longno ilang metro lamang ang layo sa kanyang bahay nang sumulpot ang mga suspect at saka ito pinagbabaril.

Kaugnay nito, iniuugnay din si Longno sa serye ng mga panghoholdap sa lunsod bukod pa sa pagkakaroon ng maraming warrant of arrest.

Ilan beses na rin itong nakulong sa iba’t ibang kaso ngunit nakapagpiyansa.

Si Longno rin ang suspect sa pagpatay sa isang barangay captain sa Bacolod City noong nakaraang taon at maging ang broad daylight hold-up sa isang pawnshop sa Araneta street nitong nakaraang lingo lamang.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply