Kilalang drug pusher sa Misamis Oriental, timbog sa buy-bust

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang  kilalang drug pusher sa Misamis Oriental.

Kinilala ang suspek na si Rutchem Labadan, 23 yrs old, residente ng Molave Zamboanga del Norte at kasalukuyang naninirahan sa Luz Banzon Jasaan, Misamis Oriental..

Batay sa ulat isang buy-bust operation ang ginawa ng Police Regional Office-10 sa naturang lugar kasama ang mga awtoridad ng Jasaan Police Station.

Nakuha mula sa suspek ang 57 sachets na pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P30, 000 at P2,000 na marked money.

Sa ngayon nakakulong sa Misamis Oriental  Provincial Jail ang suspek na nahaharap na naturang kaso.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply