Chinese timbog sa shabu sa Malabon

TIKLO ang isang Chinese national makaraang makuha ng awtoridad ang kilo-kilo ng shabu sa bahay nito sa Malabon City, kahapon, Oktubre 9.

Kinilala ni Senior Supt. Ferdinand Ampil, hepe ng Malabon City Police ang suspek na si Jimmy Ang, alyas Jimmy Lim, nasa hustong gulang ng Liwayway St., Tugatog ng lungsod.

Nakatanggap ng impormasyon sina Ampil na sangkot sa droga ang suspek na naging dahilan kaya pinasubaybayan ang pagawaan ng tokwa ng suspek na ginagawa pa lang imbakan ng iligal na droga.

Dakong alas-4:00 ng hapon, bitbit ang search warrant na ipinalabas ni Judge Carlos Flores ng RTC Branch 73, ay sinugod ng mga pulis ang magkatabing bahay ng suspek at nakuha ang anim na malalaking plastic at isang plastic container na naglalaam ng mga shabu.

kasalukuyan nang nakakulong ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Section 11 ng R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply