Kinakantahan, pinatatawa at ipinagluluto: Mario Maurer sagana sa pagmamahal kay Erich

HANDA nang paibigin ng Thai heartthrob na si Mario Maurer ang kanyang Pinoy fans sa nalalapit na pagpapalabas ng kauna-unahan niyang Thai-Filipino film na “Suddenly It’s Magic,” kung saan kapareha niya ang isa sa pinakamahuhusay na drama princesses ng Pilipinas na si Erich Gonzales.

Ang [elikula ay sa ilalim ng produksyon ng Star Cinema at direksyon ni Rory B. Quintos at nakatakdang ipalabas sa mga sinehan sa October 31.

Kilala sa kanyang Asian fans bilang si Shone sa hit Thai movie na “Crazy Little Thing Called Love,” ibinahagi kamakailan ni Mario kung gaano siya kasaya na makasama si Erich bilang leading lady niya sa pelikula.

“Erich is very funny. When we talk, she has so many characters. She’s very playful, that’s why I’m happy to be with her,” ani ni Mario. “She can rap, she can do beatbox, and she tries to make me sing for her, and I just wouldn’t!”

Hindi rin naman nalalayo ang panlasa ni Mario sa mga Pinoy. Nagustuhan din ng Thai heartthrob ang ibat- ibang mga pagkaing Pinoy katulad ng Pork Barbeque at Adobo na si Erich mismo ang nagluto para sa kanyang kapareha sa pelikula.

Kinunan sa dalawang major locations ng pelikula sa Ilocos (Pilipinas) at Bangkok (Thailand). Nag-aral pang magsalita ng Filipino si Mario para lamang sa “Suddenly It’s Magic.”

Mapapanood na ang “Suddenly It’s Magic” sa mga sinehan nationwide sa October 31, 2012. Ipalalabas din ito sa Thailand ngayong taon.

***

Victor Wood ginawang bisyo ang pagtakbo sa halalan

GINAWA nang bisyo ni Victor Wood ang pagtakbo bilang senador tuwing may halalan. Nung unang sabak niya ay si Madam Auring pa ang isa sa naging campaign manager niya, ‘yung sumunod ay ulila na siya.

Mag-isa na lang siya sa kanyang laban. Pero kumpara sa ibang nuisance candidate, siya ang isa sa may pinakamalaking boto na nakukuha. Malakas pa rin kasi ang dating niya sa mga matatandang botante.

Kakantahan lang niya ng kanyang mga signature songs, nakaaakit na siya ng boto.

How true, na itong pagtakbo ni Mang Victor tuwing election ay paraan niya para makalikom ng salapi?

***

READER’S Digest handed over the cheque worth US$5,000 to Nasibah Abdulfattah, the Filipino winner of the Click4cash August draw.

Nasiba Abdulfattah, 21 years old from Marawi City, Lanao del Sur, is the lucky winner of this electronic raffle participated by residents of Singapore, Malaysia, the Philippines, Thailand, Hong Kong and Taiwan. She was accompanied by her mother and brother in the awarding.

There is no required purchase to join the raffle. Individuals just need to visit the website of Reader’s Digest, follow the prompts on the promotional entry page, input the requested details and submit the fully completed entry.

According to Nash, her nickname, she will use her cash winnings to pay the debts of their family, which were incurred to fund her college education. She also added that she will use the money in reviewing for the nursing board exam that she will take next year.

The cheque was handed over by Emerald Digest Inc. President Miriam S. Balingit. Emerald Digest is the exclusive distributor of Reader’s Digest in the Philippines.

***

Para sa inyong opinyon at reaksyon, mag-text sa 09074582883/09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoo.com at maaari rin kaming mapakinggan sa Star na Star sa DWIZ 882 khz, 2-3 p.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply