Kinse anyos ‘pinilahan’ ng 5 bagets

TARGET ngayon ng manhunt operation ng PNP San Fernando ang limang kabataan na sinasabing nasa likod ng naganap na gang rape sa kinse anyos na dalagita sa lalawigan ng La Union, sa ulat ng pulisya ngayon.

Ayon sa report na nakarating sa Camp Crame, tukoy na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek kasunod ng salayasay na ibinigay ng biktima.

Sa pahayag ng biktima na itinago sa pangalang “Amor” na kasalukuyang pa ring naka-confine at nilalapatan ng lunas sa isang pagamutan, puwersahan siyang tinangay ng limang suspek.

Nabatid sa pagsisiyasat ng San Fernando Police Office, na naglalakad papauwi ang biktima nang harangin ito ng mga suspek at sapilitang isinakay sa isang pampasaherong traysikel at pinaamoy umano ng gamot na pampahilo.

Lumalabas pa na natagpuan na lamang ang dalagita na nakahandusay, walang saplot at maraming bugbog at pasa sa katawan.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply