Kissing scene pinakaaabangan!

MAS relaxed na raw ngayon sa isa’t isa sina Kim Chiu at Xian Lim sa muli nilang pagtatambal sa “Ina, Kapatid, Anak”, ang pinakabagong teleserye ng ABS-CBN kung saan tampok din sina Maja Salvador at Enchong Dee kasama ang mga magagaling na veteran stars na sina Eddie Gutierrez, Ronaldo Valdez, Pilar Pilapil, Cherrie Pie Picache, Ariel Rivera at Janice de Belen.

“So ngayon, kilala na namin ang isa’t isa,“ sabi nga ni Kim nang makausap namin. “Mas madaldal na si Xian ngayon. Hindi na po siya nahihiyang lumapit sa akin and siyempre, mas lumalim na rin ‘yong pagiging magkaibigan namin.

Ang Mommy ni Xian, very vocal sa pagsasabi na boto raw kay Kim at nagwi-wish ito na sana nga raw ay sagutin na niya ang binata. “Nahiya nga ako, e. Nahiya naman ako. And parang… puring-puri ako ng Mommy niya. Nakakatuwa.”

May iba pa bang guys na nagpaparamdam o nanliligaw sa kanya ngayon?

“Meron naman po. Hindi lang sila consistent.”

Artista rin?

“Opo. Dalawa lang sila.”

So may karibal pala si Xian?

“Hindi naman. Kayo naman, ginagawa n’yo agad ng isyu!” natawang biro ni Kim.

Hindi naman niya itinanggi na si Xian ang isa sa tinutukoy niyang dalawang artistang nagpaparamdam sa kanya.

Sino ‘yong isa pa?

“Ay, huwag na po!” tawa na naman niya. “Huwag na.”

Pero mas matimbang ba si Xian kesa ro’n sa isang manliligaw niya?

“Uhm… mas madalas kaming nagkikita ni Xian kasi may movie kami sa Star Cinema. Tapos may teleserye kami. So halos everyday kaming nagkakasama.”

Nagkaroon na sila ng kissing scene ni Xian rati sa “My Binondo Girl”. Inaasahan na raw nila na meron ulit silang ganitong eksena sa “Ina, Kapatid, Anak”.

“Pero sa umpisa kasi, para kaming mga aso’t pusa, so, wala pang mga eksenang romantic o intimate moments.”

“Wala naman pong problema sa akin pagdating sa pagkakaroon ng kissing scene with him. Tawag po ‘yon ng trabaho, so, bakit naman po hindi, ‘di ba?”

Patapos na rin daw ang shooting ng pelikulang “24/7 Inlove” na balik-tambalan nila ni Gerald. Kasama nila rito ang iba pang Star Magic talents.

“Okey naman kami,” patungkol niya sa kanyang dating ka-loveteam at ex-boyfriend rin. “Nasa point na kami ng… nagbibiruan kami. ‘Yong parang bago kaming magkaibigan na matagal nang magkakilala. Parang gano’n.”

Napag-uusapan ba nila ang kanya-kanyang status ngayon ng kanilang lovelife? Kasi si Gerald, nali-link kay Sarah Geronimo tapos siya naman, kay Xian nga. “Nagbibiruan lang. Tinatawanan lang naming ang tungkol do’n.”

Hindi pa officially umaamin sina Gerald at Sarah. Pero feeling kaya niya, mag-on na ang mga ito?

“Hindi ko po alam. Pero tinutukso-tukso ko lang po siya. Nagkakabiruan lang kami tungkol ro’n. Pero hindi ‘yong seryosong napagkukuwentuhan.

“Mas mabuti nang gano’n na lang. Biruan lang at wala nang personal na contact sa isa’t isa.

“Nagkikita lang kami ni Gerald sa set,” ng pelikulang tinatapos nila ang ibig niyang tukuyin. “But we’re very good… professionally.

“Hanggang do’n na lang po. Wala na pong lalampas ro’n.”

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply