Klase sa lahat ng antas sa Cebu City kanselado kay ‘Ofel’

SUSPENDIDO ngayon ang klase sa eskuwela sa lahat ng antas sa Cebu City bunsod ng pananalasa ng bagyong Ofel.

Ang suspensyon ay batay sa kautusan na ipanalabas ni Cebu City Mayor Michael Rama.

Ginawa ni Rama ang naturang kautusan upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral na may pasok pa hanggang ngayong linggo.

Una rito, ilang malalaking unibersidad at pribadong eskwelahan ang nagsagawa na ng sem-break.

Samantala, inalerto na ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia ang lahat ng local government units sa probinsiya ng Cebu upang maiwasan ang mga aksidenteng posibleng mangyari dahil sa bagyo.

Nanawagan na rin ang gobernadora sa Philippine Coast Guard (PCG)-Central Visayas na ‘wag payagang pumalaot ang mga barko at maliliit na bangka dahil na rin sa malalakas na hampas ng alon sa karagatan.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply