Knights haharapin ang Red Lions

LIMANG taon ang hinintay ng Letran Knights bago muling makapasok sa championship.

Lumaban ng banggaan ang Knights sa last year’s runner up San Sebastian College Stags upang kunin ng una ang 73-70 panalo sa semifinals ng 88th season ng NCAA men’s basketball tournament kagabi sa San Juan Arena.

Isang mahalagang rebound at dalawang free throws ang sinalpak ni Jam Cortes upang payukuin ang Stags at iayos ang Finals showdown kontra defending champion San Beda College Red Lions bukas sa MOA.

Angat ng isang puntos ang Knights, 70-69 matapos ipasok ni Jonathan Belorio ang kanyang dalawang tira sa foul line may 23.9 segundo ang nalalabi sa final canto.

Pagkatapos ng free throws ni Belorio ay tumatawag ng timeout ang Stags upang idesenyo ang huling play.

Nakuha ni last year’s MVP Calvin Abueva ang inbound at nahanap nito ang kakamping si Ronald Pascual na libre at ipinasa ang bola.

Ipinukol ni Pascual ang bola sa three-point mark subalit sablay ito at nadakma ni Cortes ang bola at saka siya finoul dahilan upang pumunta ito sa free throw line.

Sigawan ang mga fans nang ipasok ni Cortez ang dalawang pamatay ng free thorws.

Dalawang beses tinalo ng host Letran ang San Sebastian sa playoff dahil may insentibong twice-to-beat advantage ang huli.

Nakapuwersa ng do-or-die ang Letran matapos angkinin ang 92-74 win sa first playoff kontra Stags.

Ayon kay coach Louie Alas masaya ang pagkakapanalo nila sa SSC subalit hindi pa rin tapos ang giyera at hindi pa nila naaabot ang kanilang goal dahil haharapin pa nila at kailangan talunin sa best-of-three Finals ang Red Lions.

Si Mark Cruz ang nanguna sa opensa para sa Knights matapos itarak ang 20 puntos habang si Kevin Alas ay kumamada ng 18 points.

Samantala, dahil tapos na ang kampanya ng San Sebastian sa ngayong season ay maglalaro na si Stags power forward at PBA 2nd pick Abueva sa Alaska Aces.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply