Knights kakampi sa Stags

WALA munang gagawin ang host Letran Knights kundi panoorin muna ang dalawang pares na maglalaban sa Huwebes sa malapit ng magtapos na 88th season ng NCAA men’s basketball tournament eliminations round sa Arena sa San Juan.

Nasa tersero puwesto ng team standings ang Knights tangan ang 11-6 win-loss card habang panalangin nito na matalo ang kahit sino sa Jose Rizal University Heavy Bombers at Perpetual Help Altas kung saan ay magkasalo sila sa fourth spot na may tig-10-7 baraha.

Makakalaban ng JRU ang laglag ng Emilio Aguinaldo College Generals sa alas kuwatro ng hapon habang ang Altas ay kaharap sa alas sais ng gabi ang last year’s runner up San Sebastian College Stags.

Isang laro na lang ang natitira sa Heavy Bombers at Altas kaya naman panalangin ng Letran na isa sa kanila ang matalo upang makapasok na ng mahinahon sa top four.

Tanging ang defending champion San Beda College Red Lions ang sigurado sa Final four at sa insentibong twice-to-beat advantage dahil may 15-2 kartada sila.

Kahit nasa pangalawang puwesto sagpang ang 11-5 ay hindi pa rin siguradong sasampa sa semifinals ang Stags dahil kapag natalo sila ay delikado pa ito.

Huling makakalaro ng Letran ang Arellano U Chiefs habang ang Stags at Red Lions ang magsasara ng eliminations round.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply