Knights nakaumang sa Finals

DELIKADO pa ang last year’s runner up San Sebastian College Stags matapos matalo sa host school Letran Knights, 74-92 sa semifinals ng 88th season ng NCAA men’s basketball tournament sa Araneta Coliseum kahapon.

Dahil may twice-to-beat advantage ang Stags ay kailangan pang manalo ng isa ang Knights upang makaharap ang defending champion San Beda College Red Lions sa Finals.

Hindi napigilan ng Golden Stags ang nagliliyab na mga kamay ni Knight star player Kevin Alas matapos tumikada ng career-high 43 points at upang makapuwersa ng do-or-die game na gaganapin bukas ng hapon sa Fil-Oil Flying V arena sa San Juan.

Sa first canto pa lang ay umalagwa na ang Intramuros-based Letran, 27-7 at napanatili pa nila ang kanilang kalamangan sa first half, 46-28.

Tatlong beses ng nakaharap ng Letran ang San Sebastian ngayong season at lahat ng iyon ay nagwagi ang una,,kaya naman malaki ang tsana ng tropa ni coach Louie Alas na sasampa sila sa Finals kontra Red Lions.

Sumegundo kay Alas si Knight point guard Mark Cruz na may sinalpak ng 20 puntos, sumunod si Kevin Racal na may 10 pts.

Samantala, sinagpang ng red Lions ang unang upuan sa Finals matapos nilang ipagpag ang Perpetual Help Altas, 56-52.

May insentibong twice-to-beat ang Stags matapos makuha ang segundo puwesto sa team standings sa eliminations round.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply