Knights sasabayan ang bangis ng Red Lions

AARANGKADA bukas, (Oktubre 18) ang Game 1 ng 88th NCAA men’s basketball tournament Finals sa Mall of Asia Arena.

Maghaharap ang defending champion San Beda College Red Lions at host Letran Knights na parehong nagkaroon ng maagang problema sa first round ng elimination round.

Sa unang laro ng Red Lions kontra Arellano U Chiefs ay anim lang ang ginamit na players dahil suspindido ang iba matapos madawit sa gulo noong Disyembre nakaraang taon.

Unti-unti namang nakabalik ang mga pambato ng Red Lions kaya natapos nila ang elimination round na nasa tuktok hawak ang 15-3 win-loss slate at makakuha ng insentibong twice-to-beat advantage.

Pagkatapos naman ng first game ng Knights kontra last year’s runner up San Sebastian College Stags ay biglang nawala sa sirkulasyon ang sentro na si Raymund Almazan at tatlong magkakasunod na pagkakadapa agad sila kaya nabaon sa pampitong puwesto sa 1-3.

Pagbalik ni Almazan ay biglang sumigla ang Knights at nakaahon sila upang tapusin ang second round elimination tangan ang 12-6 panalo-talo karta at masungkit ang no. 3 ranked.

Pareho ding hangad ng Letran at San Beda ang pang 17th NCAA title.

Naunang sumampa sa Finals ang San beda matapos nilang kaldagin ang No. 4 seed Perpetual Help sumunod ang Knights ng talunin nila ng dalawang beses sa semifinals ang Stags na hawak ang twice-to-beat advantage.

Samantala, kahit alam ni Knights star player Kevin Alas na mahirap talunin ang Red Lions ay hangad pa rin nitong walisin ang Finals series upang mas lalong masaya ang pagkopo nila ng titulo.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply