Kolumnista tinadtad ng death threat

HINDI lang pala “hydrocephalous at memory gap” mayroon ang isang opisyal ng Manila Police District (MPD) kundi ubod din pala ito ng bastos , arogante at hindi marunong gumalang sa  isang babae.

Noong nakalipas na  araw ng Sabado, Setyembre 29, ay laman ng ating column na Lily’s Files ang opisyal ng MPD na si Supt. Santiago Pascual, na hepe ngayon ng Personnel o D1 ng MPD.

Isa sa binigyang pansin ng Lily’s Files ay kung paanong lumabas ang promotion nitong si Pascual noong buwan ng Hulyo gayung may mga kaso itong nakabinbin sa NAPOLCOM
at sa korte .

Itong si Pascual ay isa sa mga kinasuhan sa Luneta Hostage Crisis noong nakalipas na Agusto 23, 2010 dahil sa kapalpakan nito bilang  hepe ng Special Weapon and Tactics (SWAT) ng MPD bukod pa sa kasong isinampa ng isang babae para sa suporta ng kanilang anak at sa pagmaltrato sa isang babae na kasalukuyan pa rin dinidinig sa korte sa lungsod Quezon.

At dahil sa mga kasong ito ng aroganteng opisyal ay marami ang nagtaka kung bakit  pinalusot ng NAPOLCOM ang promotion nitong si Pascual.

Bukod sa mga nabanggit na kaso ay atin ding tinalakay ang biglaang paglaki  ng  kanyang ulo  at ang pagiging makalilimutin nitong si Pascual sa  kanyang mga dating kakilala.

Sabado ng alas-10:47 ng umaga ay nakatanggap ang inyong lingkod ng text message sa  cellphone na nakasaad ang  mga salitang  ito “ Tang i-a mo, ‘di lang kita nakilala kala mo kung sino ka na, ano ba natulong mo sa akin…h-nd-t ka kung sipsip ka sa akin siguraduhin mo lang na pati t-t-  ko ts-p–n mo ha?

Bandang alas-11:04 ng Sabado ng  umaga ay  sinundan ang nasabing text message at nakasaad ang mga salitang “Eh sira pala ang ulo mo…sabit ka lang naman doon ah…kung gusto mo humaba ang buhay mo, kaibiganin mo ako ha?

Ang mga sumunod na text messages sa pagitan ng alas 11:08 hanggang alas 11:22 ay pawang mga kababuyan at kabastusan na at panghahamak sa inyong lingkod.

Bandang alas-11:59 ay muli akong nakatanggap ng text message na nagsasabing “Isang beses pa na siraan mo ako uli sa diyaryo…mawawala ka na lang parang bula sa mundo…wag mo akong subukan le-se ka…” (Itutuloy)

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply