Kolumnista tinadtad ng death threats (3)

BIBIGYANG daan muli  ng Lily’s Files ang ilan sa mga tambak na  mga text message at  mga  nag-email  ng kanilang mga reklamo at hinaing tungkol sa kanilang mga employer o lugar ngunit tulad ng dati ay hindi na po natin babanggitin dito ang kanilang mga pangalan at cellphone number para na rin po sa  kanilang kahilingan at  proteksiyon.

Kung anoman ang mailalathala ng  pahayagang REMATE, iyon po ang mga nakasaad sa kanilang mga padalang text message at email sa inyong lingkod at wala po akong babaguhin o papalitang mga salita.

GOOD pm, Ma’m Lily Reyes. Ako po ay taga-Negros Occidental. Ma’m binabasa ko po ngayon ang column mo tungkol sa death threat  na natanggap mo. Ma’m, isa ako sa mga nagdarasal para sa ‘yung kaligtasan.

Itong pulis na si Col. Pascual, hindi siya karapat-dapat sa trabaho niya  bilang alagad ng batas.

Mr. Col. Pascual, dapat sa iyo ay bitayin nang patiwarik

at balatan ng buhay. Ma’m Lily, bakla  yata itong si Col. Pascual, eh.

MA’M Lily, muli po, maraming-maraming salamat po sa inyo dahil napabilis ang resolution na nangyari sa kaso ko kasi nag-appeal po sila .

Dahil  na rin po sa tawag ninyo sa Labor ay lumabas ng mas maaga ang resolution. Ngayon po ay wait uli  ako kung mag-aappeal sila. Bale dalawang beses na akong nanalo sa kanila at ‘yun po ay dahil sa inyo, Ma’m Lily.

Nagpapasalamat po ako sa inyo nang maraming-marami.

Sana’y marami pang katulad ninyo na talagang tumutulong sa aming maliliit nang walang hinihintay na kapalit.

MAGANDANG araw po sa inyo. Masugid ninyo po akong tagasubaybay ng inyong column na Lily’s Files. Ang tanong ko  ay ito: namamasukan po ako  bilang isang kasambahay.

Isang  Malaysian at Singaporean national po ang aking mga amo. Ang tanong ko po ay bakit sila nagtatrabaho rito pero ang nakalagay sa passport nila ay tourist.

Doon po sila may opis sa Makati, ‘yung  Manila Contemporary .

Ask ko lang po, di ba bawal yun?  Huwag ninyo na pong i-publish ang number ko. Thanks and more power sa Lily’s Files ma’m.

GOOD day po sa staff ng Lily’s Files. Mga military po kami na naka-assign dito sa Basilan  at kasalukuyan po naming binabasa ang column ninyo tungkol doon sa sinasabing threat ninyo na galing sa  isang opisyal ng pulis sa Maynila.

Ma’m, huwag po kayong matakot. Hindi totoo yan, hindi ka lang maharap ng pulis na yan kaya kung ano- ano ang tini-text sa inyo. Pero  sa totoo lang, bakla lang po
ang gumagawa ng ganyan.

Subukan niyang magpa-assign dito sa amin para makita natin ang tapang niya. Kailangan dito ang mga ganyang matapang na pulis.

Bukas po ang Lily’s Files Column natin  para  sa inyong mga reklamo, suhestiyon at komento,  mag-text lang po sa 09155683000  at  09087230036  o kaya ay mag-email lang sa … lpr_2012@yahoo.com …

loading...

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply