Komersiyalismo sa mga sakramento iwasan

DAPAT umanong iwasan ng mga pari ang komersiyalismo sa mga sakramento ng simbahan partikular ngayong Undas.

Ito ang iginiit ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, bise presidente ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), sa ipinalabas nitong circular.

Ayon kay Villegas, ang sakramento ay hindi dapat na ipinagdiriwang kapalit ng salapi dahil ito umano ay kasalanan.

“The trafficking for money in spiritual things is simony. It is a sin,” ani Villegas.

Sinabi pa ng arsobispo na ang pagdiriwang ng mga sakramento ay hindi para sa pagiging kumbinyente ng mga pari kundi para maipagkaloob ito sa mga mananampalataya.

Aniya pa, dapat ring ibinibigay ang sakramento sa lahat ng mamamayan ng walang kinikilingan, mahirap man sila o mayaman, at malapit man sila o hindi sa mga pari.

Kasabay nito, sinabi ni Villegas na dapat na magsagawa ng banal na misa ang mga pari sa lahat ng sementeryo para sa nalalapit na Undas, sa pagitan ng Oktubre 31 at Nobyembre 2, kung kailan mas maraming tao ang makakadalo dito.

“It is prohibited to collect any donations for the individual blessing of graves. It is prohibited to conduct ‘special blessing of graves’ for friends of priests and benefactors of the Church within October 31 to November 2 period,” ani Villegas.

Aniya pa, ang mga kopya ng “Order of Family Prayers on Visiting the Cemetery” ay kailangan ipakopya ng mga parokya at ipamahagi ng libre sa mga mananampalataya bago ang misa.

“It is prohibited to sell the copies of the prayer,” giit pa ni Villegas.

Hindi rin naman aniya pinapayagan ang mga lay ministers o Extraordinary Ministers of Holy Communion (EMHC) at mga seminarista na mag-officiate sa pagbabasbas sa mga puntod.

Aniya, ang paglabag sa nasabing batas ay may katapat na kaparusahan kabilang ang perpetual disqualification mula sa pagiging EMHC.

“The annual commemoration of the faithful departed is a loved and cherished Filipino Catholic tradition. Let us allow this pious tradition to lead us and our flock to the path of holiness,” pagtatapos pa ni Villegas.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply