Kongresistang sumusuporta sa Recto Sin Tax Bill, lumalawak

LUMALAWAK ang bilang ng mga kongresista na sumusuporta sa sin tax bill version ni Senador Ralph Recto.

Ang pangulo ng Northern Luzon Alliance (NLA) na tinagurian “tobacco-producing provinces” na si La Union Rep. Victor Ortega ay nagsabing buo ang suporta ng samahan para sa bersyon ni Recto.

Kahit, aniya, hindi ganoon kalaki ang kikitain ng gobyerno ay makabubuti pa rin ito sa industriya ng tabako at hindi malaking dagok para sa mga magsasaka ng tabako.

“The Recto proposal is more reasonable than the version that came from the House because it will raise also additional funds (where) the increase is not too abrupt,” giit ni Ortega.

“Ako kasi I am not defending smoking.  I am trying to see its effect to tobacco farmers na karamihan ng mga farmers naming sa Ilocos ang main crop nila is tobacco.  Kung mawawala iyan malaking kawalan sa
kanilang kabuhayan,” paliwanag ng mambabatas.

Sa panig ng oposisyon, tahasang sinabi ni Siquijor Rep. Orlando Fua na hindi makabubuti sa polisiya ng gobyerno ang anumang pagpapataw ng bagong buwis.

“All forms of taxes should be opposed as this would affect the people,” ani Fua. Aniya, ang dapat gawin ng pamahalaang Aquino ay tugunan ang pangangailangang sugpuin o pigilan ang “tax leakage” upang matamo ng gobyerno ang target nitong koleksyon sa buwis.

Nauna ng pumalag si Zambales Rep. Mitos Magsaysay sa pangungutya kay Recto dahil sa kaniyang panukala na anila’y taliwas sa bersyon ng sin tax bill na nagmula sa Kamara de Representantes.

Malaki ang paniwala ni Magsaysay na ang bersyon ni Recto ay “responsible, well-studied version” sa pagtataas ng buwis sa sigarilyo at alak dahil kapag sobrang taas, aniya, gaya ng bersyon ng Kamara ay posibleng lumalala ang smuggling sa bansa.

“The report submitted by Senator Recto’s Senate ways and means committee does more good for public health than what was passed by the House or what was originally proposed by the Department of Finance
(DoF) because the revenue goals in his bill are attainable and his proposed programs for healthcare are workable and sustainable,” ayon kay Magsaysay.

Binigyang diin pa ni Magsaysay na ang 1,000 % pagtataas ng buwis sa mga tinawag na sin products gaya ng panukalang nag-ugat sa Department of Finance (DOF) na ang target ay P60 bilyon ay maituturing  “non-viable option” base na rin  sa mga konsultasyon sa mga government tax experts.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply