Konsehal patay sa fish vendor

PATAY habang nilalapatan ng lunas ang isang barangay konsehal matapos itong saksakin ng isang fish vendor kahapon ng umaga sa loob ng isang pamilihang bayan sa GE Palanog, Tacloban City, ayon sa ulat ng pulisya .

Ayon sa ulat na nakarating sa Camp Crame, namatay sa pagamutan ang biktima na kinilalang si Edwardo Morado, 54-anyos, na isa ring fish vendor.

Sa report na isinumite ng Downtown Police Station, target ngayon ng manhunt operation ang suspek na si Jovel Pido, nasa wastong gulang, may asawa, fish vendor at residente naman ng Barangay 83-B, Cogon San Jose, Tacloban City.

Nabatid sa isinagawang paunang imbestigasyon ng pulisya, bumibili lamang ng lugaw si Morado nang bigla na lang itong saksakin ng suspek sa baba ng kanang kili-kili gamit ang isang kutsilyo.

Nagawa pang maitakbo ang biktima sa Eastern Visayas Regional Center (EVRMC) subalit binawian din ng buhay makaraan ang ilang oras.

Patuloy naman na inaalam ang motibo sa pamamaslang habang pinaghahanap pa rin ang suspek na mabilis na tumakas matapos ang pananaksak.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply