Kontra Daya kay PNoy: Kaalyadong partylist, ‘wag nang patakbuhin

HINAMON ni Solidarity Philippines at Kontra Daya lead convenor Rev. Fr. Joe Dizon na himukin ng Pangulong Benigno Aquino ang mga kaalyadong partylist na huwag ng makilahok pa sa 2013 midterm elections.

Sinabi ni Fr.Dizon, mas magandang magmula mismo sa bibig ng pangulo ang panawagan na huwag nang tumakbo pa sa halalan ang kanyang mga kaalyadong pulitika at bigyan ng pagkakataon ang ibang “marginalized group” at unrepresented sector na manungkulan sa gobyerno.

Sa pamamagitan nito, aniya,  ay maipapakita ng pangulo ang kanyang tuwid na daan at ang pagiging inclusive president niya at pag-aanyaya niya sa ibang sektor na makiisa sa kanyang pamumuno.

Pinayuhan din ni Fr. Marlon Lacal, ng Association of Major Religious Superiors of the Philippines, ang iba pang grupo na may koneksyon kay Pangulong Aquino gaya ng Akabayan, at Black and White Movement na boluntaryong umatras sa kanilang kandidatura sa darating na halalan.

Una nang inihayag ni PPCRV chairperson Henrietta de Villa na dapat ng alisin sa listahan ng partylist group ang mga grupo na mayroon ng nanunungkulang opisyal sa gobyerno dahil hindi na sila matatawag na under-represented.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply