Korean national nasalisihan sa Jollibee

TINATAYANG aabot sa halagang P.1 milyon halaga ng cash, cellphone at laptop ang natangay sa isang 41 anyos na Korean national habang kumakain sa loob ng isang kilalang fast food chain sa Ermita, Maynila kahapon .

Dumulog ngayon sa MPD-General Assignment Section ang biktimang si Yoon Jae Jun, may-asawa, Korean national at nanunuluyan sa OASIS Paco Park Hotel sa Paco, Maynila.

Ayon sa pulisya, dakong alas 12:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa loob ng Jollibee na matatagpuan sa kanto ng Remedios at M.H del Pilar Sts. sa Ermita, Maynila.

Habang abalang kumakain ang biktima ay napansin niya na nawawala ang kanyang bag na naglalaman ng kanyang pitaka (US$1,400), P4,000 cash, Samsung laptop at galaxy cellphone.

Nabatid na posible nasalisihan ang biktima ng ilang mga kawatan na nambibiktima ng mga dayuhan.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply