Korte nagpasok ng ‘not guilty’ para kay CGMA

MISMONG ang Sandiganbayan na ang naghain ng “not guilty” plea para kay dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, kaugnay sa kinakaharap nitong kasong pandarambong.

Ang not guilty plea na inihain ng SB dahil hindi nagbigay o nagpasok
ng anumang plea si Ginang Arroyo kaugnay sa mga alegasyon laban sa
kaniya.

Kaugnay nito, itinakda naman ng Sandiganbayan sa December 3 ang preliminary conference ng kaso.

Kasama ni Mrs. Arroyo ang kaniyang asawang si dating 1st Gentlemen
Miguel Arroyo, anak na sina Luli, Dato at Mikey Arroyo.

Kaugnay nito, mahigpit ang seguridad na ipinatupad para sa pagbasa ng sakdal sa Sandiganbayan sa Pampanga Representative.

ANG pagharap ni Ginang Arroyo sa Sandiganbayan ay may kaugnayan pa rin
sa kasong plunder sa umano’y iligal na paggamit ng P366 milyong pondo ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply