Kotse sumalpok sa waiting shed, 4 todas, 2 sugatan

NALAGAS sa malagim na aksidente, ang apat na magkakaibigan nang humampas ang kanilang sinaksayang kotse sa isang waiting shed bago sumalpok sa puno sa Ilocos Norte.

Ang biktimang si Fred Oasay Jr., 39, driver ng kotse ay namatay habang ginagamot sa ospital habang sina Rosebelt Ranada, Rogel Agdeppa, at Arnel Macadaeg at namatay noon din sanhi ng tinamong pinasala sa katawan.

Ang mga namatay na biktima ay pawang residente ng Pinili, Ilocos Norte at sinasabi rin na pawang hindi naka-seatbelt nang maganap ang aksidente.

Sugatan naman at isinugod sa Mariano Marcos Memorial Hospital (MMMH) sina Menard Mendoza at Miguel Fagarangan, pasahero rin sa kotse ni Oasay Jr.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong alas-10:45 nitong Huwebes ng gabi sa national road ng Baranay 17 Tabug sa Batac City, Ilocos Norte.

Bago ito, lulan ang mga biktima sa isang kulay pulang Toyota Corolla na may plakang PMJ-780 at pauwi na mula sa pakikipag-inuman nang mawalan ng kontrol sa pagmamaneho si Oasay Jr.

Dahil dito, humampas sa isang waiting shed ang kotse na sumalpok din sa isang puno na nagresulta sa pagkamatay ng apat.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply