Kumuyog sa cameraman ng PTV 4, tukoy na ng MPD

MAY lead na ang mga awtoridad sa mga suspek na bumugbog at kumuyog sa cameraman ng PTV 4 ngunit kailangan pa itong kumpirmahin kasabay ng isinasagawang follow-up operation.

Sa ngayon, puspusan na ang pagtugis ng pulisya sa grupo ng mga kalalakihan na nagtulong-tulong na bugbugin si Dante Morada sa kanto ng Valenzuela at V. Mapa street sa Sta. Mesa, Maynila.

Ito ay matapos na ipag-utos ni Manila Mayor Alfredo Lim ang agarang pagtugis sa mga suspek.

Matatandaan na binabagtas ng service vehicle ng PTV 4 lulan sina Morada at reporter na si Bernard Tan  ang kahabaan ng nasabing lugar.

Tiyempo namang papatawid ang mga suspek kaya itinigil ni Morada ang sasakyan nang biglang kalampagin ng isa sa suspek ang hood ng service vehicle.

Bunsod nito, bumaba si Morada sa sasakyan upang tignan kung nagkaroon ng damage ngunit isa sa suspek ang lumapit kay Morada at pinagsusuntok hanggang sa nakisuntok na rin ang iba pang suspek.

Mabilis namang nakawala si Morada sa mga suspek at sumakay agad sa kanilang service vehicle at tumakas sa lugar.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply