Kutsabahan sa vice ops sa Batangas

SA pag-upo ni Sec. Mar Roxas bilang DILG chief, baka sakaling matatakot na ang kapulisan at mga alkalde sa mga bayan at lungsod  ng Batangas.

Kung bakit Batangas ang nababanggit natin kapag vices ang pag-uusapan, aba’y dahil ang lugar na ito’y notorious sa operasyon ng iligal na sugal.

Ang tawag nga na isang CIDG intelligence officer, ang Batangas daw ay the country’s gambling capital dahil sa nagkalat na sugal, partikular ang jueteng.

Kahit sino ang umupong SILG, ang lalawigan ni Gov. Vilma Santos – Recto ay ‘di nahihinto sa pamamayagpag ng iligal gambling. Lumalabas na inutil si Batangas police provincial commander S/Supt. Rosauro Acio dahil ‘di masawata ang tumitinding STL-con jueteng. Ngayon ay masusubukan si Sec. Mar.

Patunay na buhay na buhay ang jueteng diyan ay ang lantarang STL bookies sa lugar ni Tanauan Mayor Sonia Torres – Aquino at police chief Supt. Jeremias Agluyub na mismong mga kapitan ang operators.

Isang Jun Ocampo ang financier ng bookies sa Brgy. Bagbag, Ka Teryo sa Banadero, Ka Kanor sa Luyos, Dano at Kancio sa Ulango, Ed Villanueva at Obet  Malabanan sa Ambulong, Dexter at Angel sa Pantay na Matanda at Bata.

Sa San Jose ay ‘di matinag ni Mayor Eutiquio Briones at C/Insp. Eduard Padilla Mallo ang jueteng nina Virtucio, Kap. Ineo at Kap. Indo.

Sa mga munisipyo  ng San Pascual at Bauan ay kapwa napakahina ng dating nina Mayor Antonio Dimayuga at Mayor Ryan Dolor pagkat jueteng operations nina Aling Nene at Aling MInda ay ‘di nila masupil.

Ganito rin ang larawan sa kabuuan ng bayan ng San Juan, na ang higit na naapektuhan sa mga kailigalang ginagawa ng mga jueteng lords na sina Kap. Nelson at Fress ay walang iba kundi si  Mayor Rodolfo Manalo.

Aba, San Pascual police chief Insp. Rommel Agbunag, Bauan police chief Supt. Alfredo Dangani at San Juan’s  Supt. Elpidio Ramirez, magising naman na kayo bago pa kayo parusahan ni Sec. Roxas dahil sa nagkalat na sugal inyong lugar.

PINANGONGOLEKTA SI SEC. MAR

Dapat  hambalusin  ni Sec. Mar Roxas ang isang Sgt. Jing Asenas  na gumagamit sa kanyang pangalan sa pangongolekta ng tong sa mga sugalan.

Napaka-notorious ang lespiyak na ito dahil wala na raw ginawa sa kanyang pagiging pulis kundi nag-operate ng sugalan at mangolekta ng ‘lagay’ sa mga kapwa GL para pansuhol sa mga among opisyal ng kapulisan.

Sumasandal daw itong si Asenas sa kanyang amo – isang Col. Mendoza, na mahilig din daw sa iligal, dahil sa ulat, si colonel ay GL din daw.

Nakukuwestiyon tuloy ang liderato ni QCPD director C/Supt. Mario dela Vega dahil ‘di kayang rendahan ang dala-wang ito sa paghahasik ng lagim sa QC.

Kapag nagalit sina Sec. Roxas at NCRPO director C/Supt. Leonardo Espina eh, siguradong matatapon ang dalawang ito sa Mindanao.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply