KZ, Gabriel at Daddy’s Home maglalaban-laban sa X Factor Philippines finale

SINA KZ Tandingan, Gabriel Maturan at Daddy’s Home ang mga maglalaban-laban sa X Factor Philippines finale na gaganapin sa Sabado.

Kagabi, nasibak na sa kompetisyon ang pambato ni Charice para sa Girls Category (under 25s) na si Allen Sta. Maria.

Ikinagulat naman ng audience sa venue ang pagkakasama ni KZ na isa pang pambato ni Charice sa bottom 2. Si KZ ay ang itinuturing na pinakasikat sa mga contestant ng X Factor Phils dahil mula nang mag-audition ito ay naging most search na sa internet.

Unang nalagay sa safe zone ang manok ni mentor Martin Nievera na si Gabriel (mula sa Boys Category – under 25s) at ang Daddy’s Home na pambato ni Gary Valenciano.

Dahil parehong nasa bottom 2 sina Allen at KZ ay naging emotional si Charice at hindi napigilang mapaiyak.

Nang magbotohan ang mga judge, kapwa ivinote out nina Gary V, Martin at Pilita Corrales si Allen.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply