KZ Tandingan hinirang na kampeon ng X Factor Philippines

SI KZ Tandingan ng Davao ang hinirang na kauna-unahang kampeon ng X Factor Philippines na ginanap noong Sabado at Linggo sa PAGCOR Grand Theater sa Paranaque City.

Nakuha ni KZ na pambato ni mentor Charice ang pinakamaraming boto na umabot sa 55.45%. Second place naman si Gab Maturan na may 32.33% votes habang third place naman ang Daddy’s Home.

Bilang kampeon naibulsa ni KZ ang P4 million worth of prizes kasama ang singing contract sa Star Music.

Sa final showdown noong Sabado inawit ni KZ ang “Superstar” ng The Carpenters at “The Way We Were” ka-duet si Rico Puno. Muling pinatunayan ni KZ ang mga sinabi niya noong nag-audition siya sa contest na patutunayan niya na hindi lamang para sa mga magaganda, mga guwapo, matatangkad at biriterot biritera ang music industry.

Ayon sa kanyang kwento sa programa, noon ay kayang bumirit ni KZ (nakakabirit pa rin siya ngayon) ngunit dahil naoperahan siya sa lalamunan ay hindi na niya naaabot ang pinakamataas na notes na kanyang naaabot noon.

Ngunit sa kanyang kakaibang “X Factor” at mahusay na style na ayon sa ilang viewers ay nagagawa niyang special ang isang kanta dahil sa kanyang suwabeng boses, siya ang itinanghal na superstar ng patimpalak.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply