La Union: Kotse sumirko, 5 sugatan

LIMA katao ang nasugatan makaraang sumirko ang isang kotse sa Gov. Juaquin Ortega Ave. sa Barangay Parian, San Fernando City, La Union kaninang madaling araw.

Ayon sa ulat, bandang alas- 4:45 ng madaling araw nang bumaligtad ang naturang kotse na may plate number TFA 733 makaraang mahagip nito ang isang motorsiklo na minamaneho ng report ng isang radyo na si Dan Ray Gapuz.

Nakilala naman ang mga sugatan na sina Mandy Diaz, 27, driver ng kotse; Ivy Pacheo, 38, kapwa residente ng Barangay Poro, sa naturang lungsod; Ronald Ramirez, residente ng Las-ud, Sta. Cruz,Ilocos Sur; Jimmy Parya, 22, ng Barangay Lingsat; at Danilo Perez, 25, ng Barangay Paringao sa San Fernando na pawang dinala sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa lungsod upang malapatan ng lunas.

Wala namang tinamong anumang galos si Gapuz.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply