Laban sa cyber libel at milagro sa coast guard

NAGBABA ang Supreme Court ng Temporary Restraining Order laban sa Cybercrime Prevention Act of 2012.

Habang sinusulat natin ito, hindi natin alam kung hanggang saan ang binabaan ng SC ng TRO, kung ang buong batas o bahagi lamang nito.

Pero dahil paborableng umaksyon ang Hukuman sa may 15 petitioner na lumalaban sa buo o bahagi lamang ng nasabing batas, masasabi nating malamang na isinailalim sa TRO ang buong batas.

Hindi naman kasi madaling desisyonan ng Hukuman ang lahat ng mga isyu na gustong linawin ng mga petitioner, kabilang na ang National Press Club.

Sabi ng Hukuman, may 120 araw ang TRO at palugit ito para sa Hukuman na  pag-aralan ang mga petition kaugnay ng nasabing batas at gumawa ng desisyon makaraan.

OKAY SA TRO

Sa totoo lang, hindi pa tapos ang laban at sa katunayan, bahagi pa lang ang lahat ng mga panimula laban sa batas o sa cyber libel na pangunahing nilalabanan ng mediamen at nagmamahal ng kalayaan sa pamamahayag at pagsasalita.

Gayunman, okay na rin sa atin ang pagbibigay ng Hukuman ng panahon para sa sarili nito na gumawa ng mga kaukulang desisyon sa lahat ng mga isyu na inihain ng mga petitioner.

Maganda ring panahon ito sa lahat ng mga mambabatas sa Kamara at Senado na mag-isip-isip kung magbabago sila o hindi sa pagsuporta sa buong cyber law o pagbuwag sa mga kuwestiyo-nableng bahagi nito.

DECRIMINALIZE LIBEL

Siyempre pa, gusto nating  wala nang batas sa libelo.

Pero kung hindi maiiwasan ang batas na ito, tatawad tayo na alisin na lamang ang kulong bilang parusa rito.

Kung ayaw ng mga kinauukulan na bumigay sa dekriminalisasyon ng libelo, lalaban tayo, mga Bro.

Kung maaaprubahan ang  laban natin sa dekriminalisasyon, matitira na lamang ang mga administratibo at sibil na kaso.

Sa mga administratibong kaso, maaaring masuspinde o masibak sa trabaho ang sinomang may kaugnayan sa libelo.

Pero pupuwede bang basta durugin na lang din ng gobyerno ang diyaryo, ang radyo, ang telebisyon at ang website kung mapatunayan ito na may kaugnayan sa isang malibelong balita o artikulo o litrato?

Huwag naman sana.

Sa sibil na usapan, naririyan ang mga danyos, multa at iba pa.

Pero, sana naman, mga Bro, hindi itutulak ng mga danyos at multa ang mga mako-convict sa pagpapakamatay o kagutuman dahil sa kawalan.

Parang mas masahol pa sa pagkukulong ang ganitong kalagayan, mga Bro, kung iisipin nang husto.

HUWAG BUMITIW

Kaya nakikiisa tayo sa lahat ng mga mapagmahal sa kalayaan sa pamamahayag at pagsasalita na hindi bibitiw sa labang ito.

Sasama tayo sa kanila sa hirap at ginhawa.

Tuloy-tuloy nating tatawagan ang mga Hukom na sana’y makita nila ang maitim na ulam na lumalambong sa nabanggit na nating kalayaan at alisin ito.

Gayundin na hindi tayo titigil sa pagkalabit sa lahat ng mga mambabatas na pumapabor sa ating kalayaan para kumilos ang mga ito para amyendahan o ganap na baguhin ang nasabing batas, lalo na ang laman nito na cyber libel.

Napakabigat at napakasakit sa atin ang parusang kulong at mahigit sa P10 milyong danyos para sa isang kaso.

GULO SA PCSO

Si Carlo Caparas ang kasama ni Manoling Morato sa gulo sa PCSO. Very unfair na si Tita Manoling lang ang magdusa at si Direk Caparas ay hindi. Kaya may tax evasion si Caparas dahil  sa kinita nya sa pcso.  Ma’m Gloria Villa  ng Valenzuela City. 0926764….

CGMA IKULONG NA

Ikulong n’yo na yang Gloria Macapagal na yan. Sa dami ng mga nalustay niyang pera, bilyon. Umaarte lang yan sa mga sakit nya. Pag ‘di n’yo napakulong yan, tatawanan lang kayo ng mga kasama n’yang nagnakaw ng pera sa ating gobyerno. Andoy ng Guaga, Pampanga. 0999723….

PUTAHAN SA ZAMBALES

Talamak ang bentahan ng laman dito sa Calapandayan, Subic, Zambales. Lahat ng bar hubad ang pagsasayaw. Bakit hindi kayang ipasara ng lokal na munisipyo? Matagal nang negosyo rito ang prostitusyon. 0942478….

MILAGRO SA COAST GUARD

Sir, pakiimbestigahan n’yo nga po ‘yung nangyari sa exam ng Coast Guard na kaht hindi nakapapasa ay nakate-training. Si Major Bal at kapatid niyang si Ro  ang lumakad. Thanks po. 0919931….

BABUYAN SA KABAHAYAN

Good aftrenoon po, sir. Ang problema po namin dito sa Gumamela Street, Anakpawis 2, Floodway, Brgy. San Andres, Cainta, Rizal ay napakabaho sa aming paligid dahil may nag-aalaga ng baboy. 8 yrs. na pong mahigit.

Kahit anong reklamo namin sa may-ari o nag-aalaga ng baboy, binabalewala kami.

Sana po matulungan ninyo kami at maaksiyunan na ito dahil perwisyo talaga sa mga kabitbahay. Maraming salamat po. God bless po.0907226….

SIRA ANG DAAN SA BULACAN

Good am po. Ang puna ko po sa may Tigbe,  Norzagaray, Bulakan ay sobrang sira na ang mga kalsada at ang lalalim ng mga lubak.

‘Di po ito binibigyang-pansin ni Kapitan Jo Gravador.

Taon na po na sira ang kalsada. Sana po maaksyunan na ito sa pamamagitan po ninyo.  Good day po at God bless po sa inyo diyan sa Remate. Salamat po. 0923641….

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa  www.remate.ph o i-text sa 09214303333.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply