Laborer binurdahan ng saksak, tigbak

NAMATAY ang isang laborer matapos itong pagsasaksakin ng ‘di kilalang grupo ng mga kabataan sa Wago Upper Hinaplanon, Iligan City, ayon sa ulat ngayon ng pulisya.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Sunny Verano, 21 anyos, na inihatid pa sa pagamutan pero namatay din bunga ng mga tama ng saksak sa kaliwang dibdib at ibang bahagi ng katawan.

Napag-alaman na may hidwaang namamagitan sa mga suspek at ng biktima nang magkrus ang kanilang daan na naging dahilan para pagsasaksakin ang biktima dakong 5:30 kahapon ng hapon.

Pinaghahap na ng awtoridad ang mga teenager na sinasabing responsable sa pagpaslang sa laborer.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply