Laguna dominado pa rin ang Southern Lu­zon leg

UMANI sina chessers Ian Jasper Forcado, Kenneth Flores at Eric Robert Yap ng dalawang gintong medalya sa boys’ division ng team blitz at standard events upang magtuloy ang pamamayagpag ng Laguna sa Philippine Olympic Committee-Phi­lippine Sports Commission Batang Pinoy Games sa Calapan, Oriental Mindoro.

Dinomina ng Laguna ang Southern Lu­zon leg ng maghakot ng panalo sa chess at badminton.

Nagtulong sina Cristhina Ann Medenilla, Eula Djemarie Dela Cruz at Iris May Dela Cruz upang kamkamin ang standard chess sa distaff side.

Hinataw ni Mary Ann Maranon ng Victoria, Laguna ang gold medal sa girls’ singles badminton mula sa kanyang 21-12, 21-12 panalo kontra sa kanyang doubles teammate na si Alyssa Geverjuan ng Calamba sa finals.

Nagsanib puwersa naman sina Maranon, isang third-year high school sa Trace College-Los Baños, at Geverjuan para talunin sina Lucena City bets Marinalla Delos Santos at Ysabelle Diaz, 21-15, 21-15, sa girls’ doubles.

Nakakuha naman ng ginto si Arman Joseph Manlalangit ng Sta. Rosa nang paluin nito ang 21-16, 16-21, 21-13 panalo laban kay Jan Emilio Mangubat ng Victoria, Laguna sa boys’ singles.

Nakahakot ang Laguna, ang nagdedepensang national finals, ng 73 gold, 59 silver at 50 bronze medals kasunod ang Dasmariñas (25-29-18) at Calapan City (24-19-19).
Ang magwawaging atleta sa bawat leg ay maghaharap-harap sa national championships sa Iloilo City sa Dis. 5-8.

Ang top performers ng Batang Pinoy ay puwedeng makasama sa national team na kakatawan sa bansa sa 2014 Youth Olympics sa Nanjing, China.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply