Laguna nagpayanig agad sa Batang Pinoy

HUMAKOT agad ng anim na gold medals ang reigning national champion Laguna sa pagbubukas ng Southern Luzon qualifying leg ng Philippine Olympic Committee-Philippine Sports Commission Batang Pinoy Games kahapon.

Galing sa athletics event ang mga medalyang ikinuwintas sa mga batang Pinoy na taga-Laguna.

Nanaig si long distance runner Gilbert Rotaquio ang sa boys’ 14-15 5,000-meter run sa Jose Leido Memorial National High School Oval matapos magsumite ng tiyempong 18 minutes, 28.5 seconds para ungusan sina Mark Adrielle Galve ng Dasmariñas City (18:52.1) at Eal Kim Russel Lerezo ng Calamba (18:55.9).

Nagpasikat din si Jordan Montemayor ng bumato ng 10.48 meters sa boys’ 14-15 shot put para isuot sa kanya ang medalyang ginto.

Humakot din ng medalyang ginto sina Rocena Chua (girls’ 14-15 high jump), Chaimo Panteriore (boys’ 13-under 2,000m run), Marjorie Limos (girls 14-15 2,000m walk) at Charies Mae Violanta (girls’ 14-15 shot put).

Samantala, nakadale rin naman ang Palawan ng dalawang gold medal mula sa girls’ 13 under long jump at high jump habang dalawa rin ang nasukbit ng Dasmariñas City mula sa high jump at long jump.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply