Lakbay aral sa water conservation ilulunsad

MAGSASAGAWA ang Department of Health (DOH) Center for Health Development-National Capital Region (CHD-NCR) ng serye ng Lakbay Aral program para sa mga barangay captains at iba pang community leaders ng Metro Manila upang mabigyan ang mga ito ng sapat na kaalaman sa tamang paggamit at konserbasyon ng tubig.

Ayon kay DOh-NCR Director Eduardo Janairo, layunin nilang mahikayat ang mga kalahok sa programa na maging advocates para sa konserbasyon at tamang paggamit ng tubig, kabilang na ang pangangalaga sa kalikasan.

Sa pamamagitan, aniya, nito ay mahihikayat rin ng mga naturang lider ang mga residente sa kanilang lugar na protektahan ang kanilang water supplies at maturuan ng tamang paggamit ng tubig.

“This program will provide a first-hand experience and better understanding of the process of water purification and how safe the quality of water that goes out of our faucets,” paliwanag pa ni Janairo.

“We are also aiming for the participants to become advocates in the conservation and proper use of water including taking care of the environment. They will be the one to promote measures on how to safeguard the water resources in their community by encouraging residents to practice proper water usage like conservation and the proper disposal of household hazardous wastes to help protect water supplies,” aniya pa.

Naniniwala si Janairo na sa pamamagitan rin ng Lakbay Aral ay maipapakita sa publiko ang operasyon ng dalawang concessionaires ng tubig na Manila at Maynilad, gayundin ang mga serbisyong ibinibigay ng mga ito at kung gaano kaligtas ang kanilang tubig na isinusuplay sa publiko.

Iginiit pa ni Janairo na bawat isa ay responsable sa pagprotekta sa water resources upang matiyak na walang masasayang na tubig.

“Each of us is responsible in protecting our water resources to ensure that current and future water usages are met and wastages are avoided. Our choices and our actions contribute to the well-being or deterioration of our environment. That is why we must safeguard it in order to have access to a clean source of drinking water which is very essential to good health,” ayon pa sa health official.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply