Lalaki natagpuang patay sa ilalim ng tulay

INABUTAN na ng kamatayan sa lansangan ang isang lalaki matapos itong matagpuang nakahandusay  sa ilalim ng tulay kaninang umaga sa Ermita, Maynila .

Nakilala ang biktima na alias “Ricky” walang permamenteng tirahan, tinatayang may edad sa pagitan ng 40-45 anyos, may taas na 5’4 hangang 5’5 at nakasuot ng kulay itim na t-shirt at maong pants.

Sa report ni PO3 Amelito Lopez ng Manila Police District (MPD)-homicide section, dakong alas 11:00 ng umaga nang nadiskubreng patay ang biktima sa ilalim ng Mc Arthur bridge, malapit sa Philippine Postal Office sa  Ermita, Maynila.

Ayon kay Alvin Tan, 29, isang pedicab driver huli nitong nakitang buhay ang biktima dakong 10:30 ng umaga habang nakahiga ito sa nasabing lugar.

Napansin ni Tan ang kakaiba nitong pagkakahiga dakong 11:00 ng umaga kaya nilapitan nito subalit napansin hindi na humihinga at patay na.

Posible umanong namatay ang biktima sa iniinda nitong sakit sa baga.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply