Lalaki patay sa 14-anyos totoy sa QC

PATAY ang 19-anyos na lalaki makaraang saksakin ng 14-anyos na totoy at kuya nito habang nag-iinuman sa Quezon City kaninang madaling-araw.

Kinilala ang biktima na si  Jeffrey Bunyao, binata ng 336 Fatima St., Brgy. Commonwealth, QC.

Tumakas naman ang  magkapatid  na suspek  na sina Randy  Supat, 21 at  kapatid nito  na  14-anyos.

Sa ulat ng Quezon City  Police District  Criminal Investigation and  Detection Unit, naganap  ang insidente alas-2:30 ng  madaling-araw kanina sa harap ng bahay sa  339  Fatima  Doña  Carmen, QC.

Sinabi ni  PO2  George Caculba na nag-iinuman ang biktima at suspek nang magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Nagsuntukan ang biktimang si Jeffrey  Bunyao  at  suspek na si Randy  Supat hanggang  sa  tumulong ang kapatid ng suspek  na 14-anyos.

Dito na sinaksak hanggang sa  mapatay  ang biktima ng batang kapatid ni  Supat.

Tumakas ang mga suspek matapos ang pananaksak.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply