Lalaki patay sa kalugar na senglot sa Malabon

PATAY ang isang lalaki matapos mapagtripang saksakin ng lasing na kapitbahay sa Malabon City kaninang madaling-araw, Oktubre 15.

Dead on arrival sa President Diosdado Macapagal Memorial Medical Center sanhi ng saksak sa dibdib si Efren Bilbao Nunez, 50, ng Tonsuya, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Arnold Lusada, 50 at kalugar ng biktima.

Sa ulat, ala-1:15 ng madaling-araw, nagpapahangin sa tapat ng kanilang bahay ang biktima nang madaanan ng lasing na suspek na walang salitang sinaksak si Nunez.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa PDMMMC.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply