Lalaki, patay sa taga ng karibal sa CamSur

DUMANAK ang dugo sa isang masayang inuman ng magkakaibigan nang pagtatagain ang isang 40-anyos na lalaki ng kanyang kainuman sa Camarines Sur nitong Miyerkules ng gabi (Oktubre 24).

Nagtamo ng taga sa leeg at mukha  na ikinamatay din ng biktimang si Nelson Reyes, residente ng Barangay Salvacion.

Hinahanting na ngayon ng pulisya para panagutin sa krimen ang suspek na si Nenelon Rodalia ng Barangay Gaao, kapwa sa bayan ng Tigaon.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 10:30 nitong Miyerkules ng gabi sa bahay ng isang Magdalena Royo, na kapwa pinopormahan ng biktimang si Reyes at suspect na si Rodalia.

Ayon sapagsisiyasat  ni P02 Joel Manuguid ng PNP Tigaon, bago ang insidente ay nag-iinuman sina Reyes at Rodalia at isa pa nilang kaibigan sa bahay ni Royo.

Pero sa gitna ng kasiyahan at sa hindi pa malamang dahilan ay nagtalo sina Reyes at Rodalia at kahit tumakbo  na ang una hinabol pa rin ng huli at nang maabutan ay pinagtataga bago tumakas.

Hinala ng pulisya na ang dahilan ng pananaga ay dahil sa kapwa may gustong ligawan nina Reyes at Rodalia si Royo bukod pa sa sobrang kalasingan ng dalawa.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply