Lalaki tepok, 1 sugatan sa riding in tandem

NAPATAY ang isang lalaki samantala isa pa ang nasugatan nang pagbabarilin ng di pa kilalang suspek na riding in tandem sa Zamboanga City.

Kinilala ng awtoridad ang namatay na biktima sa pangalang Hassan, samantalang nilalapatan ng lunas ang sugatan na kinilalang si Jimmy Mesias.

Ayon sa pagsisiyasat ng awtoridad, nagpapaayos lamang umano ng bubong ng kanyang sasakyan sa isang upholstery shop ang biktima nang biglang dumating ang mga suspek.

Agad na nagbunot ng baril at pinaulanan ng bala ng dalawang di pa nakikilalang riding in tandem ang biktima.

Batay sa ulat, namatay noon din ang biktima dahil sa mahigit limang bala na tumama sa katawan nito na naging dahilan ng agarang pagkamatay nito.

Samantala, tinamaan naman ng bala sa paa si Jimmy na kasalukuyang ginagamot sa isang ospital sa lungsod.

Wala pang makitang posibleng anggulo ang mga awtoridad sa pagpaslang sa biktima maging sa pagkakilanlan ng mga suspek.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply