Lalaking lasing nanutok ng baril, arestado

LASING na mister kulong nang putukan ang kapitbahay ng baril na napadaan sa tapat ng bahay ng una bago tutukan ng baril ang magpinsan na totoy sa Valenzuela City kagabi, Oktubre 8.

Nahaharap sa kasong attempted homicide at grave threat in relation to child abuse si Sandy Domingo Portacio, 37 ng Buenavista st., Malinta ng lungsod.

Sa ulat, dakong alas-6:45 ng gabi, bibili ng yosi ang biktimang si Alexander Santonia, 51 nang mapadaan sa tapat ng bahay ng umiinom na suspek at nakitang nagpaputok ang huli sa bakuran ng una.

Umiwas ang biktima subalit sinabihan ng suspek na “Huwag ka nang pupunta sa amin”, bago pinutukan ang una na mapalad na hindi tinamaan.

Nang makita ng suspek ang anak ng biktima na edad 14 kasama ang pinsan na edad 15 na nasa tindahan ay nilapitan at tinutukan din ng baril.

Matapos na makumpirmang hindi papalag ang mga totoy ay iniwan na ito ng suspek.

Tumawag ng pulis si Alexander at nang respondehan ay nadakip ang suspek at nakakuha ng dalawang basyo ng bala subalit hindi na nakita ang .9mm kalibre ng baril nagamit umano ng huli na naging dahilan upang dalhin sa presinto at sampahan ng mga nasabing kaso.

Inaalam na ng mga pulis kung ano ang ikinagalit ng suspek sa mga biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply