Lalaking may sayad sinilaban ang sarili, patay; 2 bahay naabo

HALOS di na makilala ang katawan ng isa lalaki na sinasabing may diperensya sa pag-iisip  nang sunugin nito ang sariling bahay sa barangay Bantud, Lapaz, Iloilo city.

Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas 3 ng kahapon nang matagpuan ang sunog bangkay ng biktima na si  Jose Rene Anies, na sa loob ng comfort room.

Nauna rito, sinasabing naghanap pa ng posporo ang biktima bago naganap ang sunog.

Umabot naman sa anim na kabahayan ang naapektuhan at dalawa sa mga ito ang ganap na abo kasama na ang bahay ng naturang biktima.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply