Lalaking nambugbog ng cashier inaresto na

NASA kustodiya na ng Manila police si John Paul Encinas, ang lalaking nahuli sa video habang sinasaktan at pinakain ng pera ang isang cashier ng canteen na kinilalang si Marjorie Reynaldo.

Iba’t ibang reaksyon ang nakuha ng nasabing insidente nang kumalat ang kuha sa CCTV video sa mga social networking sites.

Una rito, nabigo ang mga awtoridad na pagkasunduin ang dalawang kampo makaraang ipatawag ang mga ito sa nakakasakop na barangay.

Ayon sa Manila peace and order management, kasong violence against women ang ikakaso kay Encinas at pansamantalang mananatili sa kanilang tanggapan ngayong gabi.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply