Landlady nilaslasan ng leeg sa sariling boarding house

LASLAS ang leeg ng isang land lady  nang sunod-sunod na pinagsasaksak sa loob ng kanyang boarding house sa Koronadal City sa ulat ng pulisya.

Ayon sa report, patay na nang matagpuan ang 63-anyos na si Adelaida Leviste, alas 7:00 kahapon ng umaga sa loob mismo ng kanyang kwarto sa Pantua Street, Barangay Zone 3, Koronadal .

Nabatid na nadiskubre ang bangkay ng matandang babae nang dalawin ng kanyang anak.

Napag-alaman na huling nakita ang biktima na nagluluto ayon sa kanyang boarders na pawang mga babae.

Lumalabas naman sa inisyal na imbestigasyon na pagnanakaw ang motibo sa krimen dahil nawawala ang laptop ng biktima.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply