Lantsa lumubog sa Zamboanga City

LUMUBOG ang isang lantsa na naka-standby lamang sa isang daungan sa Zamboanga City matapos itong pasukin ng tubig.

Ayon kay Lt/Commander Eliezer Dalnay, station commander ng Philippine Coast Guard (PCG)-Zamboanga, posibleng  nabutas ang bahagi ng lantsang M/L Lady RP 2 dahil sa malakas na hampas ng alon.

Ang M/L Lady R- 2 ay pag-aari ng isang kilalang negosyante sa lungsod at nagkakarga ito ng copra na may rutang Zamboanga-Sulu.

Wala namang nailuat na nasaktan sa insidente.

Samantala, inabisuhan naman ni Dalnay ang mga maliliit na fishing vessel sa lungsod na ipagpaliban muna ang paglalayag dahil sa malakas na alon.

Hindi umano kasama sa kanilang abiso ang mga pampasaherong barko dahil normal aniya at hindi apektado ang biyahe ng mga malalaking barko sa lungsod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply