Lasing na mister, tinaga ang misis, biyenan

PINAGTATAGA ng isang lasing na lalaki ang kanyang misis at bungangerang biyenan nang sa kanyang pag-uwi ng bahay mula sa pakikipag-inuman ay nalamang hindi pala siya natirhan ng ulam sa Isabela, ayon sa ulat ng pulisya.

Ayon sa ulat, kasong frustrated parricide, frustrated homicide at paglabag sa Republic Act 9262 o Violation on the Rights of Women and their Children ang suspek na si Rex Galong, 30, ng Sitio Malapat, Cordon Isabela.

Nabatid sa report na nakarating sa Camp Crame mula PNP Isabela na magkasabay na naghain ng reklamo ang mag-inang sina Jocelyn Galong, asawa  at ang biyenan na si Dolores Gallardo laban sa suspek.

Sa inisyal na pagsisiyasat ng Cordon Municipal Police Office,  taga sa mukha ang napala ni Jocelyn habang malaking biyak naman sa ulo ang inabot ng biyenang si Dolores.

Nabatid na tumakbo sa himpilan ng pulisya ang dalawang babae nang magsimulang magwala ang mister at pagtatagain sila dahil lamang sa naubusan ito ng ulam.

Sinasabing nakadagdag sa galit ng lasing na suspek nang lumabas ang kanyang biyenan at sawayin sa pag- iingay nito dahil naiistorbo ang kanilang tulog.

Nabatid na pangalawang beses nana ipinakulong ang suspek dahil sa pagwawala nito at pananakit sa kanyang asawa subalit napatawad lamang ito ni Jocelyn kaya nakalabas sa piitan.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply