Legal remedy gagawin ng Palasyo kung ibabasura ang Cybercrime Law

MATAPOS maglabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema, gumagawa ng legal remedy ang Palasyo sa mga posibleng mangyayari para sa pagpapatupad ng Cybercrime Prevention Act of 2012.

Tinitingnan na ng Palasyo ang senaryo na ideklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang nasabing batas.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, sakaling mangyari ito ay nakikita nilang legal remedy ay ang paghahain ng motion for reconsideration.

Pero sa kabila nito tiniyak ni Lacierda na tamang proseso ang pinagdaanan ng kontrobersyal na batas.

Una ng sinabi ng Palasyo na nirerespeto nila ang paglalabas ng Supreme Court (SC) ng TRO.

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply