Legalisasyon ng prostitution ayaw ng Senado

TAHASANG tinabla ng miyembro ng Senado ang panukala ng United Nations (UN) na gawing legal ang prostitusyon sa Pilipinas upang maiwasan ang pagkakalat ng sexually-transmitted diseases (STD).

Ayon kina Senate President Juan Ponce Enrile at Senador Aquilino “Koko” Pimentel III, hindi pa handa ang Pilipinas sa panukala ng UN dahil tiyak na maraming papalag sa isyung ito.

“Hindi naman tayo susunod-sunuran sa kagustuhan ng UN, kung gusto ng ibang bansa na maging prosti lahat ng kanilang kababaihan, bahala sila. Pero sa palagay ko dito, ayaw natin,” reaksiyon ni Enrile.

Gayunpaman, nakahanda naman si Enrile na pakinggan ang argumento ng mga nagsusulong ng nasabing panukala.

“I’m willing to listen to their arguments, but to say I’m favor of it, not yet…I have to be convinced,” sabi pa ni Enrile.

Sinabi naman ni Pimentel na hindi handa ang pambansang lider kabilang ang mamamayan na tanggapin ang panukala ng UN.

“I don’t think the Filipino electorate as well as the policy makers are ready for such a radical proposal to legalize prostitution. Personally hindi ako pabor,” giit ni Pimentel. “Alam mo hindi lahat ng solution sa ibang bansa will also work here in our country. so us not just copy the policies and laws of other countries,” sabi pa ni Pimentel.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply