Legalizing prostitution

ANG sabi ng United Nations, ang Pilipinas ay isa na lang sa mga kakaunting bansa na iligal ang prostitution.

Hati ang bayan. Lalo na ang mga misis. Ang prostitution, sabi nila, ay isang malaking kasalanan.

Ang sabi naman ng iba, hindi ba’t si Jesus mismo ang nagsabi sa mga Hudyo na kung sinoman ang walang kasalanan ay siya ang unang bumato kay Magdalena?

Nguni’t sinabi rin ni Jesus kay Magdalena: Babae, huwag ka na muling magkakasala. Sin no more, wika ni Jesus.

Eh bakit ang United Nations mismo ay gusto nang ma-legalize ang prostitution?
Mukhang na punta na lamang sa pera-pera ang usapang ito.

Sa Pinas, kapag ligal na ang prostitution, siyempre matitigil na ang pangongotong ng mga pulis at iba pang “peace keepers.” Pero hindi katulad ng jueteng o lottery ng bayan na tax free.

Mapupunta na sa gobyerno ang kita sa prostitution. Magkakaroon na ng dagdag na sin tax. Katulad ng sigarilyo at alak. Katulad ng sigarilyo at alak, sino ang magbabayad ng sin tax, ang prostitute ba, ang operator nila o ang mga client ng prostitution?

Eh sino nga ba? Siyempre ang kliyente na mahilig sa mga “puta” o mga sex worker.

Ang prostitution, ang world’s oldest profession, ay kumikita ng $100 billion annually worldwide. At dahil ang mga sex worker ay magiging professional na, kailangan na silang magbayad ng professional tax, katulad ng mga doctor, abogado, engineer at iba pang kasama sa lisensiyadong profession.

Minsan nga, may panukalang batas na gustong magpatong na rin ng professional tax sa mga mamamahayag o mediamen and women. Bago ka maging mediaman ay kailangang humingi ka ng lisensiya sa gobyerno. Otherwise, hindi maaaring maging reporter ang isang taga media kung wala siyang license na galing sa gobyerno.

Kasama kaya sa bagong sin tax na ito ang mga pulitiko, mga huwes, fiscal o justices na walang ginawa kung hindi i-prostitute ang batas at ang tinig ng bayan? Hindi po, dahil protected sila ng cyber law. Libelous yan.

Pero balik tayo sa sex prostitution. Sa Pinas, puta ang tawag sa prostitute. Sa America ay whore naman ang tawag nila.

Pero, modern na tayo ngayon at ayaw nilang makasakit ng damdamin. Ang tawag sa mga prostitute ngayon ay escort, sex worker, hooker, streetwalker, working girls, pimps, procurers, call girls, call boys o crawlers.

About Girlie

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply