Legends luhod sa Team 2003

SINUNGKIT ng Team 2003 ang titulo sa katatapos na Kisay Basketball League (3rd Season) Finals sa Philsports Arena, Pasig City.

Inarangkadahan ni league Most Valuable Player, (MVP) Edd Karl Lozano ang koponang 2003 upang angatan sa dikdikang labanan ang Team Legends, 89-87.

Kumamada ng 24 puntos si Lozano para tanghaling kampeon ang team 2003 sa ikatlong season ng liga na sinalihan ng siyam na alumni teams at junior varsity team ng Quezon City Science High School.

Sa third period ang lumalamang pa ang Legends subalit sa fourth canto ay dinaan na  ng mas batang Team 2003 sa bilis upang lampasan ang una.

Ayon sa organizer ng nasabing liga na si Romel Madayag, (QueSci Batch ’89) ay ipagpapatuloy nila ang ganitong palaro upang manatiling maganda ang samahan ng mga alumini sa nasabing eskuwelahan.

Kasama ni Lozano sa Mythical Five sina James Chua ng Team 2008, Christian Bacolot pambato ng team 2001, Patrick Solosa kamador ng team 1990 at ang star player ng Team 1997 na si Rodel Celo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply