‘Letran umabante sa semis’

PUMASOK bigla ng walang kahirap-hirap sa Final Four ng 88th season NCAA men’s basketball tournament ang host Letran Knights matapos matalo ang Perpetual Help Altas at Jose Rizal University Heavy Bombers kahapon.

Mag-isa sa tersero puwesto ang Knights hawak ang 11-6 win-loss slate at may-isa pang laro habang ang Altas at Heavy Bombers ay magkasalo sa fourth to fifth spot na may 10-8 baraha.

Ganunpaman, kahit pasok sa top four ang Intramuros-based Letran ay kailangan pa nilang ipanalo ang huling laro nila bukas ng hapon kontra Arellano U Chiefs upang magkaroon ng tsansa para makakuha ng twice-to-beat incentive.

Ibinibigay ang insentibo sa top two teams sa eliminations round kung saan ay nakopo na ng defending champion San Beda College Red Lions ang isa matapos sagpangin ang No.1 ranked tangan ang 15-2 card.

Nasa pangalawang puwesto ang last year’s runner up San Sebastian College Stags bitbit ang 12-5 karta at kung sakaling matalo sila sa huling laro nila at manalo ang Letran ay magkakaroon ng playoff para sa No. 2 spot.

Alas kuwatro ng hapon sa The Arena sa San Juan gigirian ng Knights ang Chiefs at sa second game ay no bearing na ang sultada ng Mapua Cardinals at College of Saint Benilde Blazers.

Samantala, naselyohan ng Stags ang pagsampa sa semifinals ng tambakan nila ang Altas, 80-62.

Inangklahan ni reigning MVP at PBA 2nd pick Calvin Abueva ang Stags ng isalpak nito ang double-double output na 19 points at 17 rebounds habang nakakuha siya ng suporta kay Ian Sangalang na may 16 markers at 16 boards.

Yumuko naman ang JRU sa Emilio Aguinaldo College Generals, 65-69 kaya naman makikipag playoff ang una sa Altas para sa No. 4 spot.

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply